Nagbigay ng pahayag ang pamunuan ng HalloHallo Entertainment (HHE) kaugnay ng mga ulat ng harassment sa mga miyembro ng MNL48 sa Social Media.
Ayon sa nasabing pahayag na inilathala sa kanilang social networking sites at sa website ng grupo, sinabi ng HHE na nagsasagwa na sila ng imbestigasyon kaugnay dito. Dagdag pa nila, mananagot ang mga taong mapapatunayang nasa likod ng mga kabi-kabilang pambabastos sa mga miyembro ng MNL48.
“The management is already conducting series of investigations and rest assured that we will pursue the people behind these intolerable acts,” sabi ng pamunuan.
Giit nila na hindi nila hahayaan ang mga ganitong uri ng harassment sa idol group.
Nagpasalamat din ang HHE sa mga tagahanga ng MNL48 na nagbigay ng suporta sa grupo.
“HHE would also take this opportunity to give our deepest gratitude and appreciation too all of the fans that sincerely showed their concern and support for MNL48,” sabi nila.
Nagsimula noon pang kahapon ang pagpapadala ng mga ebidensya na may nangyaring harassment sa mga miyembro ng idol group mula sa mga post ng isang Facebook group, na siyang napansin hindi lang ang mga tagasuporta nito maging ang mga miyembro mismo ng MNL48.
コメント