Virtual Handshake Event, isinagawa sa unang pagkakataon
Hindi nagpatinag sa kabila ng kasalukuyang pandemya ang MNL48 nang inilunsad nito ang kauna-unahan Virtual Handshake Event (VHSE) nitong nagdaang linggo. Ito na rin ang unang HSE matapos ang Ikaw ang Melody Handshake Event noong Oktubre at huling event ng High Tension era.
Basahin ang aming mas detalyadong balita ukol sa Virtual HSE dito.
“Bye, Us” premiere, kasado na sa Agosto 28
Tuloy na ang pagsisimula ng panibagong MNL48 Presents series na “Bye, Us” ngayong Agosto 28, Biyernes.
Pagbibidahan ni Dana Leanne Brual ng Team MII at Jem Caldejon ng Team NIV ang nasabing series na sesentro sa konsepto ng “GL” or “girl love”. Ito ang unang beses na magkakaroon ng isang GL-themed na proyekto ang grupo.
Sa anunsyong inilabas ng social media accounts ng grupo, magkakaroon ng isang exclusive digital premiere sa Agosto 27 kung saan mapapanood ang lahat ng episodes at magkakaroon sila ng pagkakataon na makausap ang cast sa pamamagitan ng video call.
Para makadalo sa exclusive digital premiere, kinakailangang mag-avail ang mga fans ng ticket packages na available sa KTX (Kapamilya Tickets) website.
“High Tension” album, inilabas na sa Spotify
Matapos ang matagal na panahon at pakikiusap ng mga fans ay nailabas na rin sa popular na digital music streaming platform na Spotify nitong Agosto 20 (Huwebes) ang fifth single ng MNL48 na “High Tension”.
Binubuo ang digital release ng tatlong kanta: ang main single na “High Tension”, coupling song na “Green Flash” at team song na “1! 2! 3! 4! Yoroshiku!”. Kapansin-pansin ang kawalan ng instrumental versions ng mga kanta at ang copyright nito ay nakapangalan na sa HalloHallo Entertainment (HHE) at hindi sa local record label na Star Music.
Agad namang ipinagdiwang ng mga fans ang Spotify release sa pamamagitan ng isang Twitter party, kung saan umabot bilang #1 trending topic sa Twitter Philippines ang “HighTension OnSpotify”. Sa kasalukuyan, nalagpasan na ng main single na “High Tension” ang 5,000 plays.
MNL48 members, makikisaya sa It’s Showtime Online U
Muling nagbalik sa popular na noontime show na It’s Showtime ang mga miyembro ng MNL48 upang makisaya sa bago nitong segment na “It’s Showtime Online U”.
Naunang bumisita bilang panauhin sa programa sina Sheki Arzaga at Sela Guia nitong Biyernes, Agosto 21. Dito ay ibinahagi ng dalawang miyembro ang kanilang pinagkakaabalahan sa gitna ng quarantine period.
Ayon naman sa mga hosts ng naturang segment ay asahan na ang mas maraming miyembro ng MNL48 ang bibisita sa online show sa mga susunod na araw. Mapapanood ang mga full episode ng “It’s Showtime Online U” sa official YouTube channel ng It’s Showtime.
Opmerkingen