Inihayag ng ilang Youtuber mula sa bansang Japan na kailangang tanggapin ng mga Pilipino ang konsepto ng mga “Idol Group” upang tanggapin din nila ang MNL48.
Sa isang reaction video para sa mga kanta ng grupo para sa Youtube channel na EL’S PLANET, sinabi ni Mone Fukuhara na ang rason kung bakit hindi pa rin tanggap ng mga Pilipino ang MNL48 ay marahil tutol sila sa konsepto sa likod ng mga idol group. Giit niya, mas nakatuon sa visuals o anyong panlabas ang mga idol at hindi sa mismong talento.
Ayon din kay Fukuhara, na isang dating trainee para sa mga KPop agency na SM Entertainment at JYP, mas gusto ng mga Pilipino ang mga KPop group dahil pinapakita nila lalo ang kanilang mga talento habang nagtatanghal. Ngunit sinabi niya na bagamat mahirap tanggapin ng mga Pilipino ang konsepto na nagbuo sa mga idol group na nakabase sa Japan na katulad ng AKB48, na siyang main sister group ng MNL48, kung sila ay magiging tagahanga nito ay maiintindihan nila na hindi lang sa talento sila nakabase kundi sa pagsisikap nito upang sila ay makilala ng madla.
“Naramdaman ko na halos lahat ng mga Pilipino ay halos tumatangkilik na sa mga KPop idol group dahil pinapakita nila pa lalo ang kani-kanilang mga talento. Para sa AKB48, marahil nahihirapan silang tanggapin ito, ngunit kung ikaw ay maging isang fan nila ay makikita mo na hindi lang dahil sa talento kundi sa pagsisikap ng bawat member na maging kilala. Ito’y parang kasama silang lumago,” sabi ni Mone.
Ayon naman kay Keido Kindness, iba ang konsepto ng mga Idol na mula sa mga bansang nasa Asia, particular na sa Japan, kaysa sa mga bansa na nasa silangan. Sinabi niya na hindi tulad ng mga mangangawit na nasa silangan na may kalayaan na pumili kung ano ang gusto nila sa karera nila, ang mga idol ay sumailalim sa mga training at may mga agency na humahawak sa kanila na maaaring humubog sa kanila. Dagdag pa niya kaya merong ganito ay dahil gusto nilang dekalidad ang kanilang mga talent.
Sa kabilang banda, nang tanungin kung ano ang nararamdaman nila kapag naririnig nila ang mga sinaling bersyon ng kanilang mga kanta, sinabi ni Mone na siya ay pabor ukol dito. Giit niya, dapat mag-interact pa lalo ang MNL48 sa iba pang sister groups, bagay na nangyari na mula pa noong nakaraang taon sa dalawang sunod na AKB48 Group Asia Festival sa Bangkok, Thailand at Shanghai, China.
Samantala, pinuri naman ni Keido, na isa ding dating KPop trainee mula sa VSquare at Sandfactory Academy, ang grupo dahil sa pagkaakma nito sa konsepto. “Tingin ko bagay ito sa kanila. Nakuha nila ang choreography pati na sa boses at sa visuals,” sabi niya.
“Kailangan nilang bumalik sa nakasanayan”
Matapos panuorin ng mga panelista sa reaction video ang tatlong music videos ng MNL48, sinabi ni Mone na pinagsama ng MNL48 ang mga konsepto ng JPop at KPop, lalo na sa music video nila para High Tension. Dagdag pa niya na habang ang dalawang music video na pinakita sa kanila, ang Aitakatta - Gustong Makita at ang Pag-ibig Fortune Cookie, ay nakatuon sa tradisyonal na Japanese style, ang music video para sa High Tension ay merong mga konsepto na makikita lamang sa mga music video ng KPop.
“Tingin ko pinagsama nila ang JPop at KPop. Para sa kanilang nauunang single, tingin ko pinili nila ang mas klasikong Japanese Idol habang yung kanilang kasalukuyang single, ang High Tension, ay merong kaunting KPop vibe dito, mula sa pananamit at makeup. Maging ang konsepto ay parang katulad sa “Girl Crush” na ginagawa na ng mga KPop group,” sabi niya.
Ngunit, iginiit niya na dapat kailangan nilang bumalik sa kanilang orihinal na konsepto habang iniiwasan nilang umalalay masyado sa konspeto ng KPop para sa kanilang panlabas na anyo at sa kanilang mga susunod na music video. “Gusto ko sana na bumalik sila sa konseptong Japanese Idol at iwasan sa masyadong paggamit sa KPop vibe dahil ginagawa na nila ‘yan sa kasalukuyan, kaya nararadaman ko iba ang mga Japanese Idol, lalo na’t sila ay innocente, palangiti, at cute. Sana manatili silang ganun,” sabi niya.
Walang nakikita namang mali si Keido sa grupo, ngunit ang agam-agam niya para sa kanila ay dahil sinusundan nila ang supergroup concept ay may mga miyembro na napag-iwanan. Dagdag pa niya, maaaring mauwi din ito sa pagkawala ng variety o pagiging monotonous ang kanilang boses. “Kahit na ang kanilang mga liriko ay cute at ang mga boses nila ay magagaling, sa kadahilanang may mga boses na nagkapatong-patong ay parang nagiging bilasa,” sabi niya.
Commentaires