top of page
Writer's pictureKent Garcia

Unang MNL48 VHSE, matagumpay na naisagawa



Sa kauna-unahang pagkakataon, nagawa ng MNL48 ang kanilang Virtual Handshake Event (VHSE) nitong nakaraang linggo mula Agosto 17 hanggang Agosto 22.


Hindi nagpatinag ang grupo sa kabila ng COVID pandemic at sumabak sa pakikipag-kamustahan sa kanilang mga fans sa pamamagitan ng online video conferencing platform na Zoom. Ang VHSE rin ang nagsilbing huling event ng grupo para sa fifth single na “High Tension”.


Binigyan ng dalawang araw ang bawat team (Team MII, Team NIV at Team L) para sa kanilang mga schedule habang isang oras naman ang inilaan sa timeslot ng bawat miyembro.


Bago ang mismong VHSE ay nagkaroon muna ng isang pre-registration event noong Agosto 14 para mailatag sa mga dadalo ang rules at regulations para sa virtual handshakes. Mahigpit na naging tagubilin ng management sa mga fans na hindi maaaring mag-record o kumuha ng litrato ng online handshake.



Inilabas naman sa kasunod na araw ang 20-second duration ng bawat handshake ticket na mas matagal sa tipikal na 10-second handshake. Binigyan rin ng dagdag na 10 seconds ang mga Premium member sa MNL48 Fanclub App bilang extra perk. Nag-organisa din ng isang online merchandise room kung saan pwedeng bumili ng karagdagang items ang mga fans na may kasamang handshake ticket codes.


Agad naming tumalima ang mga tagahanga at nagsimula nang matiwasay ang VHSE nitong Lunes, Agosto 17. Nagkaroon man ng mga balakid sa unang araw ay naging kapansin-pansin naman ang pagbuti ng operasyon sa mga sumunod na araw ng VHSE.


Hindi rin nawala ang mga naging isyu sa VHSE tulad ng mga hindi gumaganang handshake ticket codes, magulong registration procedures at biglaang disconnection sa handshake meeting lobby ngunit karamihan sa mga kaso ay agad ring na-resolba ng staff.



Buong linggo ring puno ng mga istorya mula sa fans tungkol sa pakikipag-usap sa kanilang mga oshi ang MNL48 community sa social media. Nag-trend rin sa Twitter Philippines ang hashtag #MNL48VirtualHandShakeD1 sa unang araw ng VHSE at kalauna’y umabot sa top spot.

35 views0 comments

Comments


bottom of page